Mga Uri ng Bigkas

May apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino.
There are four principal types of accents or stresses in the Philippine language.

Malumay (Gentle)

Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.

halimbawa: sábong, amíhan, kilikíli, áte, kúya, pása, laláki, mabúti, búko, úpo, báboy, líbre

Malumi (Grave)

Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.

halimbawa: samò, kulanì, kutà, hinà, lupà, harì, susì, pasò, pugò

Mabilis (Fast)

Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

halimbawa: talóng, iná, tutubí, sapín-sapín, gandá, pasá, kapé, baldé, dumí, gabí, butó, damó, pasó

Maragsa (Marked with a circumflex accent in old Tagalog books)

Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

halimbawa: upô, pasô, balî, ngitî, pasâ, likhâ

larô
game, play

Mariin (Emphatic, having an acute accent on the last syllable or an oxytone)

9 thoughts on “Mga Uri ng Bigkas”

  1. Ano po ba ang tamang bigkas ng “guro?” Noong bata pa ako, ang turo sa aming bigkas nito ay malumi. Sa panahon ngayon, palagi kong naririnig sa mga media practitioners na maragsa ang pagkakabigkas nito.

  2. Naalala ko ang guro ko sa Pilipino (Balarila) noong high school – mahusay din sya dahil hanggang ngayon di ko pa nakakalimutan ang mga uri at wastong pagbigkas na ibinahagi nyo ngayon. Maraming salamat po😊👍

  3. Napakahusay po ng pagpapaliwanag ninyo. Ganyang-ganyan ang pagkakaturo sa amin noong nag-aaral pa kami.

    Sa aking pananaw, higit na makakatulong kung dadagdagan ninyo ang mga halimbawa…at, kung maaari, sana ay may kasamang ”tunog” ng wastong pagbigkas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *