Mga Tuldik

Ang tuldík ay diin o marka na inilalagay sa ibabaw ng patinig ng salita upang ipahiwatig ang tamang bigkas ng salita. Ito ay accent mark o stress mark.

TULDIK PAIWA

tuldík paiwâ: tuldik (`) sa mga salitáng may diing malumi at inilalagay sa ibabaw ng hulíng patinig ng salita

halimbawa: lumà, suyò, yumì

TULDIK PAKUPYA

tuldík pakupyâ: tuldik (^) na pananda sa salitâng maragsa at matatagpuan sa patinig na nása dulo ng salita

halimbawa: ngatâ, ngitî, tukô

TULDIK PAHILIS

tuldík pahilís: tuldik (´) sa mga salitâng mabilis at matatagpuan sa hulíng patinig ng salita

halimbawa: gandá, tagál

tuldík pahilís: tuldik (´) sa mga salitâng may diing malumay at matatagpuan sa pangalawa sa hulíng patinig

halimbawa: gábe, bayábas

tuldík pahilís: tuldík sa mga salitáng may tatlo o mahigit na pantig at nangangailangan ng wastong diin sa unang pantig

halimbawa: para maibukod ang bigkas ng kátuwáan sa katuwaán at mánggugúlo sa mangguguló

TULDIK PATULDOK

tuldík patuldók: tuldik (¨) na pananda sa tunog na schwa na matatagpuan sa mga katutubong wikang gaya Ilokano, Pangasinan, at Ibaloy

4 thoughts on “Mga Tuldik”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *