Filipinos can refer to a ‘love poem’ as tula sa pag-ibig, tula ng pag-ibig or tulang pag-ibig.
tula ng pag-ibig
poem of love
poem of love
tulang pag-ibig
love poem
tula sa pag-ibig
poem on love
Partial list of Tagalog poems available for reading on this website:
- Kamay ng Birhen (Virgin’s Hands)
- Awa sa Pag-ibig (Pity in Love)
- Singsing ng Pag-ibig (Ring of Love)
- Kahit Saan (Wherever)
- Ang Kanyang Mga Mata (Her Eyes)
- Ang Matampuhin (The Sulker / The Sensitive One)
- Dahil Sa Pag-ibig (Because of Love)
- Sa Tabi ng Dagat (By the Seashore)
We add new material to this site everyday. Please do remember us and check back. And see the comments section below for love poems contributed by our visitors.
Ikaw Lang Sapat Na
Sa aking paghahanap sa’yo ko nahagilap,
Ang pagsintang pangarap ay sa’yo ko nalasap,
Sa gitna ng kariktan ikaw ang pahingahan,
Sa iyong paghapuhap dama’y kaginhawaan.
Kahit may pasubali hindi ito hahadlang,
Upang maipaglaban pagsintang walang kaparang,
Ipaglalayo man hindi magiging dahilan,
Upang tagpisin ang ating pagmamahalan.
Pagbibiyakin ma’y muli kong bubuohin,
Sapagkat ikaw lang sapat na ang para sa akin,
At kahit maraming mata ang siyang huhusga,
Hindi ito magsisilbing salabid para sa’ting pagiging malaya.
Kahit mali man sa paningin nila,
Ang mahalaga wala tayong inaapakang iba,
Hindi man tama para sa kanila,
Ang mahalaga totoo tayo kaysa sa kanila.
ang galing
nice poem gawin ko cyng music ok lang ba?
ARAW, BITUIN, ULAP, BUWAN
Ikaw ang aking ARAW.
Dahilan ng liwanag sa mundo kong gumagalaw.
Kilig ay umaapaw.
At ang sinisigaw ng puso ko’y ikaw.
Pag sapit ng gabi, tinitingala ko ang mga BITUIN.
Iniisip na sana ako’y iyong mahalin.
Dahil masakit para saakin
Na hindi ako yung iyong piliin.
Sa langit na binabalot ng mga ULAP.
Ikaw ang lagi kong hinahanap hanap.
Umaasang sana ako na lang ang iyong kayakap.
Sana malaman mong iyon lang ang aking pangarap.
Liwanag sa aking gabi ay ang BUWAN.
Ang hirap din pa lang pigilan
Ng sakit na nararamdaman ko nung ako’y iyong talikuran.
Pero tandaan mo, andito ka lang palagi sa aking puso’t isipan.
pwede ko bang gamitin to para sa kanta?
Ano po ibig sabihin ng umaapaw?
overflowing
wala ba dyang 12 syllables per unit ?
Pwede ko po ito gamitin sa PT ko?, Bibigyan rin po kita ng proper credits
Pwede pakopya
Pwede po kayang gawing kanta yan
Sa langit na binabalot ng mga ULAP.
Ikaw ang lagi kong hinahanap hanap.
baka patay na😂🤣😂🤣😂🤣😂🤣😂🤣😂
Pagpamatay ka na ren para makita mo sya🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣
Sa langit na binabalot ng mga ULAP.
Ikaw ang lagi kong hinahanap hanap.
baka patay na sya Pagpamatay ka na ren para makita mo sya🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣
pati pa naman dito may toxic
awit lods
Sino PO sumulat nito?🥰
Lods pwede gamitin pang ligaw?
sa sobrang ganda ng tula ako’y napatulala
“ISA’T-ISA”
Hindi ko sadyang mawari, kung paano ko sisimulan.
Paghabi ng mga tugmang, iaalay sa iyo hirang.
Kinakapos ang isip, kung paano isasalansan.
Sa tindi ng sakit ng tyan, na ngayo’y nararamdaman.
Magkagayon pa man, nais kong alayan ka ng tula.
Na akin ng nakasanayan, mula pa noong simula.
Ang tanging handog ko, sa aking minumutya.
Pagka’t ikaw ay malayo, at nasa ibang bansa.
O sadyang kaybilis, umusad ng panahon.
Parang kailan lang, hindi pa “Tayo” noon.
Ngayon ay eto na’t, mahigit ng isang taon.
Patuloy kang minamahal, magpa-hanggang sa ngayon.
Malimit man tayo, ay nagkakatampuhan.
May mga pagkakataong, di nagkakaintindihan.
Pangako ko mahal, ikaw lang ang titingnan.
At di ako kailanman, liliko ng daraanan.
Ang Allah ang nagbuklod, sa ating dalawa.
IKAW ang pinili Nya, na aking makasama.
Pagmamahalan natin, ay binasbasan Nya.
Kaagapay ang ISA’T-ISA, sa ating ika… ISANG TAON at ISA.
“EmeraldSoul”
Eram ako neto kakantahin ko lang
Pwede ko po ba ito gamitin sa school?
ISANG TAON NA…
ISANG TAON NA, NANG TAYO AY NAGSUMPAAN .
SA HARAP NG ALLAH,AT SA HARAP NG ATING IMAAM.
NAGPALITAN NG PANGAKONG, ISA’T-ISA AY IINGATAN.
HANGGANG SA HULING SANDALI, TAYO AY MAGMAMAHALAN.
KAYRAMI NG PAGSUBOK, ANG SA ATIN AY DUMAAN.
SA SOBRANG DAMI NGA, AY DI KO NA HALOS MABILANG.
HINDI ITO MAGIGING BALAKID, SA ATING PAGMAMAHALAN.
PAGKAT TAYO AY PINAG-ISA, NG MAY LIKHA NG SANLIBUTAN.
ANG HILING KO SA ALLAH, TAYO SANA AY MAGKASAMA.
SA UNANG TAON NATIN, BILANG MAG-ASAWA.
MAYAKAP AT MAGHAGKAN KA, YAN ANG PANGARAP SA TWINA.
KUNG DI MAN NGAYON, SANA AY DI NA MAGLAON SINTA.
PANGAKONG IINGATAN KO, ANG IYONG PAGMAMAHAL.
KAWANGIS NG MAMAHALIN, AT BABASAGING KRISTAL.
NAWA IKAW AY GAYUN DIN, SA AKING PAGMAMAHAL.
PAKA-IINGATAN MO SANA, NG MAY PAGSINTA AT DANGAL.
SALAMAT SA PAGMAMAHAL MO, AT IYONG PAGPAPAHALAGA.
SA TUWING SINASAMBIT MO, ANG KATAGANG MAHAL KITA.
PUSO KO AY LUMULUKSO, SA SAYANG NADARAMA.
DAIG KO PA ANG TUMAMA, SA SWEEPSTAKES AT SA LOTERYA…
“EmeraldSoul”
Ano po ang ibig sabihin ng
“IMAAM”
“PANGAKONG IKAW LANG… ANG AKING IIBIGIN”
Hindi ko inakala, na ako’y muling iibig pa.
Pagkat ang puso ko noon, ay tila namanhid na.
Ang usal sa sarili, di na ako susubok pa.
Mas nanaisin na lamang, ang mamuhay na mag-isa.
Hanggang isang araw, ika’y aking namasdan.
Habang kausap ka, ng isa kong kaibigan.
Ako ay nabighani, sa angkin mong kariktan.
Naitanong sa sariling, “Pwede kaya syang ligawan?”
Mga pahina ng kalendaryo ay kaybilis na dumaan.
Ang tanong kong yaon, di nakahanap ng kasagutan.
Sa mahabang panahon, nanatili ka sa isipan.
Ni wala sa hinagap, na muli kang masusumpungan.
At gayon na nga, ang sa atin ay nangyari.
Sa maling friend request mo, tayo ay nagkaigi.
Durog na puso ko, ay iyong kinumpuni.
At mga bagong pangarap, ako’y muling humabi.
Sa nagdaang isang taon, pag ibig mo ay ipinadarama.
Ang hatid sa puso ko’y, ibayong sigla’t saya.
Ipinapangako na pag-ibig mo’y, pakaiingatan ko sinta.
Ikaw lang ang iibigin ko, hanggang sa huling higit… nitong aking hininga.
“EmeraldSoul”
Pwede poba kumuha ng kaunting salita para lang po sa Lovesong music? TY sir almer
“PAGMAMAHAL SA IYO… SANA’Y MARAMDAMAN MO”
Anuman ang mga pagsubok, na sa atin ay dumating.
Pinipilit maging matatag, sa pagmamahalan natin.
Tiwalang masu-solusyunan, ang samu’t-saring isipin.
Panghawakan ang pangakong, ikaw lang ang mamahalin.
Ibinigay ka ng Allah, dahil sa aking kahilingang
Ako nawa ay bigyan Nya, yung may mabuting kalooban.
Tayo ay pinagbuklod Nya, ng wagas na pagmamahalan.
Pagmamahal at gabay ng Allah, ang sya nating panghawakan.
Madawag na tahakin, ay Kanyang hahawanin.
Mga maiitim na ulap, Kanya ring papalisin.
Mga tinik sa ating daraan, ay kanyang aalisin.
Yan ang mga pangkong, sa aki’y Kanyang ipinarating.
Kaya’t sa araw-araw, laman ng aking mga dasal.
Ay ingatan nawa tayo, ng Poong Maykapal.
Bigyan ng kalakasan, sa ating pagpapagal.
pagmamahalan nawa nati’y, buklodin Nya ng pagmamahal.
Kaya sa mahahalagang araw, na katulad nito.
Hayaan mong ipadama ko, ang pagmamahal sa IYO…
Kahit sa payak na tula lang, na maiaalay sa’yo.
Wagas kong pagmamahal, sana ay maramdaman mo.
“EmeraldSoul”
“IKAW ANG AKING KALIGAYAHAN”
Magmula ng tayong dalawa, ay magka-ibigan.
Malungkot kong mundo’y, nawala ang lamlam.
Animo’y may mahika ka’t, lungkot ko’y napaparam.
Ibayong sigla sa tuwina, ang aking nararamdaman.
At sa araw-araw, na nililikha ng Allah.
Itong aking puso, ay napupuspos ng saya.
Sa tuwing nasisilayan ko, mga ngiti mo aking sinta.
Walang pagsidlan ang ligayang, aking nadarama.
Sa nagdaang isang taon at ika- tatlong buwan.
Pagamamahal mo sa akin, ay lubos mong ipinaramdam.
Pinangako ko sa sariling, ito’y aking susuklian.
Ng katumbas na pagmamahal, kundi ko man mahigitan.
Nawa ay basbasan ng Allah, ang ating pagmamahalan.
Mas lawakan pa ang pasensya, pati na ang pag-uunawaan.
Ikaw ang aking ligaya… mamahalin ko magpakailanman.
Lahat nawa ng pangarap natin, ay ating maisakatuparan.
“EmeraldSoul”
“IKAW LANG ANG NAG-IISANG MAHAL”
Isang buwan na naman, ang kaybilis na dumaan.
Kaharap ang laptop ngayon, naghahabi sa isipan.
Ng mga kataga at tugma, na iyo sanang maibigan.
Makapag-hatid nawa ng ngiti, at mumunting kasiyahan.
Marami mang balakid, sa landas na nilalakbay.
Marami mang pagsubok pa, ang sa ati’y naghihintay.
Basta’t tangan-tangan ko, ang iyong mga kamay.
Pipiliting kong abutin, ang rurok ng tagumpay.
Sa pagmamahal mo ako, kumukuha ng lakas.
Pag-ibig mo ang inspirasyon, sa pangarap na bukas.
Sisikaping ang buhay natin, ay magiging maaliwalas.
Nang masilayan ko araw-araw, mga ngiti mong kaytimyas
Simple’t payak na buhay lamang, ang aking pinapangarap.
Basta ba’t sa lahat ng bagay, tayo ay hindi hirap.
Sa pagmahahalan ay busog, puso’t isip nati’y magkatiyap.
Magkasabay nating aanihin, bunga ng ating mga pagsisikap.
Kaya’t aking parating dasal, sa Poon nating Maykapal.
Buhay ay palawigin, buklurin nawa tayo ng Kanyang pagmamahal.
Mahal kita!!! mahal kita!!!, di ko yan pagsasawaang iusal.
Ipagsisisgawan sa buong mundo,
IKAW LANG ANG NAG-IISANG MAHAL..
EmeraldSoul
“MAGHIHINTAY AKO”
6.21.18
Ikaw ang bigay sa akin ng Allah.
Mabait malambing at walang kapara.
Pakamamahalin kita o aking Sinta.
Di hahayaang magkaroon ng lungkot,
sa iyong mga mata.
Ikaw ang pangarap ko na makasama.
Sa aking pagtanda, wala ng ngang iba.
Magkahawak kamay, sa lungkot at ligaya.
Pangako ko ay, panghawakan mo sinta…
Walang hanggang pag-ibig, sa iyo’y iaalay.
Pakamamahalin kita , higit pa sa aking buhay.
Magkahawak kamay nating, aabutin ang tagumpay.
Sa iyong pagbalik, ako’y maghihintay…
“Emerald Soul”
wala ba dyang 12 syllables per unit ?
Pagsapit ng Umaga,
Ikaw aking gustong Makita
Malasap ang hiwaga ng Saya
O aking Sinta, Mahal a mahal kita
Isang beses ko pasabihin to ay hahalikan na kita
Gagi, ang lakas ng charm mo. Putik nabighani ako
Sa kagwapuhan mo. Ano ba!
Itigil mo yang pacute- cute mo! itigil mo kung hindi ay lalayo ako sa iyo.
Lalayo ako sinasabi ko sa iyo.
Ayoko na pumatol sa charming style mo
Manloloko, isa kang Manloloko.
Loko ka! Ikaw ay nagbibisyo
Ikaw rin pala yung top wanted
na nasa Drug watchlist
Top 1! Oy nag-iisip ka ba?
Ipapahamak mo ang nagmamahal sa iyo
Sana pag-isipan mo muna ang ginawa mo.
HAHAHSHHAHHAHAHSHHAHHAHHAHAAJHA alam ko seryoso toh pero natatawa ako HAHHSHAHAHHSHA
SJHSABABBWBABBABABBABABBABA GAGO
Omayy lteaa so much hahaha
100 daang tula para kay grace
Naka 60 na ako!! Hahaha
Ito yung una
Tula#1 babaeng misteryoso
Umpisa ng araw ng pag aaral
Di akalaing ikaw ang matatanaw
Sa yong bawat pag galaw
Ngiti sa aking labi,umaapaw
nasan yung #2?
nasan na yung iba?
So much pain
Ang naramadaman ko
Nung iwan moko
Wala na sa sarili to
Bumalik sa pagkagago
At naging tarantado
Nasayang pagababago
Dahil sa isang tao
Eto na ang huli
Na gagawa ako ng tula
Eto na ang huli
Na ikaw ang paksa
Eto na ang huli
Na mamahalin ka
Dahil pinipili ko ang magpaalam na
Pagod na rin akong ipilit pa,
Na baka pwedeng ito’y maayos pa
Kailangan ko na rin sigurong tanggapin
Na pinagpalit mo na’ko sa kanya
Kaya sisiguraduhin ko
Kung eto na ang huli
Di na to mauulit muli
Tatanggapin ko
Na pinili mong itapon ang tatlong taon
Para sa lalaking halos nakilala mo lang kahapon
Halos kahapon lang
Pero nagawa mo agad akong bitawan,
Tatanggapin ko
Na sya na at hindi na ako
Sya na ang magiging kahawak-kamay mo
Dahil binitawan mo na ako
Tataggapin ko na hanggang dito nalang to
Dahil nagsimula na ang istorya niyo
Pero sana sa pagtanggap ko
H’wag ka magsisi sa bago mo
Dahil balita ko
Batikang manloloko yang pinili mo
Kwento pa nga nila,
Habit niyan ang magkolekta,
Masakit man sa’kin
Na ang itinuring kong prinsesa
Ay pipiliin ang katulad niya
Ilang ulit kong tinangkang bawiin ka,
Pero tinaboy mo lang ako sa harap niya
Siguro nga, may pagkukulang lang ako
At sakanya mo yun nakita
Pero sana
Hindi ka nagkamali
Sana naging tama ka
Na pinili mo sya
Kung mangyari man yun
Mga sakit at hapdi’y titiisin ko
Dahil alam kong napunta ang prinsesa ko sa tamang tao
Tatanggapin ko na mahal
Na sa susunod na gagawin kong tula
Ay hindi na tungkol sayo
Dahil eto na ang huli
Na hahabulin ka,
Pagkat alam kong sa kanya ka pa rin sasama
Eto na ang huli
Na aalayan ka
Kaya mahal
Paalam na
Alam ko namang masaya ka na
Sinimulan ko ng tanggapin
Na wala na nga
Eto na ang huling beses na sasabihin ko ‘to
“I Love You”
Pero ngayon mas mahal mo na sya
Kaya pinipili ko nalang
Na panuorin ang inyong istorya
Kahit sobrang sakit sakin na makitang mas masaya ka sa kanya
Tataggapin ko na hindi ko na magagawang hawakan ang palad mo
At hindi ko na mahahagkan ang matamis na yakap mo
Masakit man mahal,
Pero “Mag-enjoy sana kayo ng bago mo”
ndowmsndhsowmdbduwksnd
i hate you
di ako umiyak pcha
I already read this before.
Nabasa ko na ito dati pa bago mo po i-post ito dito.
Mga Matang Puno Ng Saya,
Mga Mata Na Parang isang Diyamante Na NagpapaKislap Sa Ating Umaga,
Pag-Ibig Na Puno Ng Hiwaga At PagKabighani
Bubu
ang ganda ng mga tula
paano po mag post ng tula dito ???? Thank You po..
Ang gaganda po ng tula nyo. super!!
Pano mag submit ng tula dito?
Ang salitang pag-ibig ay sadyang kakaiba
Sapagkat ito’y nagbibigay sa puso ng saya
Kaya naman ito’y ating pagkaingatan
Na huwag mawala ng tuluyan.
Pag-ibig ay ating palawakin
Sa lahat ng tao’y ating padaluyin
Wari ilog na tuloy-tuloy ang agos
Kailanman ma’y ito’y hindi matatapos
Ganda po. Ng tula.
one more namn
Pano mag submit ng tula dito?
Sinta sa tuwing nakikita sumasaya ako diko mawari kung paano ko ipag tatapat sayo ang tinatagong ng damdaming para sayo’t sapag kat ako’y na tatakot subalit gusto kong ipag sayo ang salitang mahal na mahal kita.
Ang salitang pag-ibig ay nag bibigay saya sa bawat tao ngunit mas masaya kapag kasama mo yong taong mahal mo sana dingin ang sigaw ng puso’t isipan.