Mga Paraan ng Pagpaparusa

Pagkatapos ng laro, binibigyan ng kasiyahan ang mga nanalo at pinaparusahan ang mga natalo.

Ang mga sumusunod ay ang karaniwang ginagamit sa pagpaparusa:

1. Pagpapagaya ng mga gawaing hindi nagugustuhan ng natalo.

Halimbawa:
a. Pakakantahin kung alam na sintunado
b. Pasasayawin ng anumang uri ng sayaw
k. Paiiyakin, pagagalitin at pahahalakhakin (sunud-sunod itong gagawin)
d. Paggaya ng mga sumusunod:
1) Isang batang humihingi ng dede
2) Masungit na biyenan
3) Isang lasing

2. Pitikin

a. Pitik-bulag. Tatakpan ang mga mata ng isang kamay at pipitikin ng nanalo. Pagkapitik, huhulaan ng pinitikan kung aling daliri ang itataas ng pumitik (Maaaring hinlalaki o hintuturo o iba pa.) Ito’y sabay na itataas. Kung tama ang sagot ng pinitikan, ititigil na ang pagpitik. Kung hindi, itutuloy hanggang sa ito’y tumama.

b. Pipitikan ang kamao ng natalo ng 10-20 beses (o ayon sa napag-usapang bilang)

3. Pangangabayo

Sasakay sa likod ng natalo ang nanalo at ito’y dadalhin sa lugar na ituturo ng nanalo.

4. Pagsusuot sa Lungga

Nakapila ang mga nanalo at nakatayong hiwalay ang paa. Pararaanin sa ilalim ang mga natalo sa pamamagitan ng paggapang.

5. Hampas-Puwit

Dalawang linyang magkaharap ang mga nanalo. Tatakbo sa gitna ang mga natalo at paghahampasin ang kanilang mga puwit ng mga nanalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *