root word: sukab
KAHULUGAN SA TAGALOG
mapagsukab: mapagtaksil, mapaglilo
Itong huling pangungusap
ni Don Pedrong mapagsukab,
pikit-mata nang kinagat
ni Don Diegong napabulag.
Inumog na si Don Juan
at di naman lumalaban. . .
Suntok, tadyak sa katawan
kung dumapo’y walang patlang.
Itong abang inuumog
ang panlaban ay himutok;
sa tama ng mga dagok
maaringkin, mapalugmok.
Ano ang kasasapitan
ng isang pagtulungan,
di ang humantong nga lamang
sa tiyak na kasawian.
Nang makitang gulapa’y na’t
halos hindi humihinga,
hawla’t ibon ay kinuha’t
nagsiuwi sa Berbanya
Humanap siya ng pook na tago sa mga mapagkunwaring babae na mapagsukab. Doon sa walang maririnig na bulungbulungan ang kanyang sarili.
