MANTRA

Originally from Hinduism and Buddhism, a mantra is a word or sound repeated to aid concentration in meditation. Today, the word refers to a statement or slogan repeated frequently.

KAHULUGAN SA TAGALOG

mántra: sa Hinduismo at Budismo, salitâ o parirala na ginagamit sa meditasyon at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang espiritwal

Sa mga Hindu at sa mga naniniwala sa Budismo, ang mantra ay salita o tunog na inuulit-ulit para makatulong sa meditasyon. Ang pinakakilalang halimbawa ay ang “OM.”

Ipikit ang mata at bigkasin nang mabagal ang tunog na “OM….”

Sa ngayon, napalawak na ang kahulugan ng salitang “mantra” at ginagamit ito para sa mga pahayag na laging inuulit. Halimbawa, tuwing may itinatanong sa isang pulitiko, ang lagi niyang sagot, “Ginagawa namin ito para sa komunidad.” Kahit anong itanong mo sa kanya, parehong pangungusap ang sinasagot.

Iba pang halimbawa ng mantra: Sa bawat gawain, sinasabi sa sarili: “Naniniwala ako na kaya ko ito. Kaya ko ‘to. Kaya ko ‘to.”

“Ito ang aking mantra: Anumang balakid, kaya kong lusutan.”

KAHULUGAN SA TAGALOG

inkantasyon: pagbigkas ng mga salitâng pinaniniwalaang may kapangyarihan

3 thoughts on “MANTRA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *