MANIMDIM

manimdim (naninimdim, nanimdim, maninimdim)

1. have misgivings

2. harbor a grudge

Huwag kang manimdim.
Don’t hold a grudge.

Ang panimdim ay parang sapot ng gagamba, nakabitin sa kisame paggising mo sa umaga, di mapapalis kung hindi dadamputin ang walis at minsan, may panghihinayang itong wawasakin.

Ang panimdim ay isang hapon sa tag-araw, na sa kung anong dahilan ay niyanig ng malakas na ulan, at ang singaw ng lupa’y may dalang hanging nakapagpapakabag, dumapa man sa katre’y wala pa ring ginhawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *