Maikling Tulang Pambata

Ito ay halimbawa ng isang maikling tulang pambata.

ANG DAGA

Sa lahat ng hayop,
ayaw ko sa daga,
Salot sa tahanan,
maging sa tumana.

Lahat kinakain,
daming sinisira;
Maraming kaaway,
lalo na ang pusa.

Pagkaing niluto,
kaagad tatakpan,
Upang maligtas sa dagang kalaban;
Maruruming damit ay agad lalabhan,
Nang hindi masira ng dagang kaaway.

One thought on “Maikling Tulang Pambata”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *