This short Tagalog poem is from the early 20th century.
TINDING…
Magsabi ang Lang̃it kundi ikaw’y talang
Nagbigay sa akin ng̃ tuwa’t biyaya,
Magsabi ang lahat kung hindi diwata
Ikaw ng̃ lalo mang pihikang makata.
Nagbigay sa akin ng̃ tuwa’t biyaya,
Magsabi ang lahat kung hindi diwata
Ikaw ng̃ lalo mang pihikang makata.
Ikaw’y maniwalang ang musmos kong puso’y
Natuto sa iyong humag̃a’t sumamo,
Sisihin ang iyong dikit na nagturo
Sa kabuhayan ko, ng̃ pamimintuho.
At sino sa iyo ang hindi hahang̃a?
Ikaw’y paralumang batis ng̃ biyaya,
Pakpak ng̃ pang̃arap at Reyna ng̃ awa.
Ang dilim ng̃ gabi sa aki’y natapos,
Ng̃umiti sa tangkay ang mg̃a kampupot,
Gayon ma’y narito’t puso ko’y busabos.