MAGPATIWAKAL

root word: tiwakál

mag·pa·ti·wa·kál

magpatiwakál
commit suicide

Kill oneself.

Sinubukan kong magpatiwakal.
I tried to kill myself.

past tense: nagpatiwakal

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

Magpakamatay; wakasan, kitlin, o tapusin ang sariling búhay.

Karamihan sa mga nagtatangkang magpatiwakal ay nakararanas ng matinding depresyon. Madalas na ang mga estudyante sa kolehiyo ang gumagawa nito. Dagdag pa rito ay mas marami raw mga kababaihan ang nagtatangkang magpatiwakal, kasi sila ang madalas na makaranas ng depresyon. Pero mas madalas namang ang mga kalalakihan ang nagtatagumpay sa kanilang tangkang pagpapakamatay. Ito ay may kinalaman sa paraang ginagamit nila upang kitilin ang buhay. Karaniwang na ang ginagamit na paraan ng pagpapakamatay ng kababaihan ay ang paglalaslas ng pulso at pag-inom ng gamot, na mas malaki ang pag-asang maagapan at sila’y mabuhya, kaysa naman sa paraang ginagamit ng mga kalalakihan tulad ng pagbabaril sa sarili o pagbibigti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *