LUKBUTAN

root word: lukbot

This is an old Tagalog word that has been translated into English as portfolio, pocket, or money container.

From The Cry of Balintawak: At maniwala kayong sa simbuyo ng naglalatang na kalooban noon, parang iisang tao kaming sabay-sabay na nagsidukot sa lukbutan ng aming sedula personal at pinunit namin noon din, na anopa’t sa sandaling yaon una naming nalanghap ang hangin ng kalayaan; naramdaman namin ang unang biyaya ng pagkamalaya, at mula noo’y isinumpa naming kami’y di na muling magbabalik sa bakuran ng pagkaalipin.

You can imagine that, with the surge of emotions then, we were like one in drawing our cedulas from our pockets, which we tore right then and there. At that moment, we were able to breathe the air of freedom and since then we swore never to submit ourselves again to enslavement.

– – –

At mula sa lukbutan ay inilabas nito ang isang alfonso. Nanlaki ang mga mata ni Bardo. Umiral ang kanyang pagkagahaman sa salapi. Alam niya: libong piso na ang halaga ngayon ng isang platang iyon.

– – –

Napakapit ang isa niyang kamay sa malaking katawan ng puno, habang ang isa’y sumasalat sa makapal na bungkos ng salapi sa kanyang lukbutan. Hindi na niya kailangang aninawin sa dilim ang mga bungkos ng salapi upang malaman kung magkanong lahat iyo.

– – –

‘Kuripot si Lola sa Amerika’

araw-araw, pinipisil-pisil
ang lukbutan sa dibdib.
puso yata ang pinipisil
nang masiguradong
may tibak pang nakasilid.
sana, husto pa ang pandagdag
sa de-lata at tsokolateng naipon
para sa Pasko at sa mga…

– – –

KAHULUGAN SA TAGALOG

lukbútan: sisidlan ng salapi

bag, supot, portamoneda, portpolyo

Polyetong Panglukbutan ng mga Kutsero

Halimbawa ng paggamit: Kumuha siya ng salaping papel sa kanyang dala-dalang lukbutan.

May nagsasabi din na puwede itong kasingkahulugan ng bulsa o lalagyan ng pera.

lukbutan: tataguan, sisidlan (yari sa kahoy, uway o buli atbp.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *