The singer heard here is Sylvia La Torre.
ORIGINAL TAGALOG LYRICS
Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon
Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawa’t puso’y tumutugon sa nilalayon.
Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan.
Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban,
Kayamanan at dangal ng kabukiran.
Composer: Santiago S. Suarez
English translation to be added soon!

lol
Magandang edition.
Ang sumasainyo
eti
This part of the song is missing:
*********CODA****
Ang liwanag ng buwan at kinang ng bituin
Ay nag-aalay ng aliw
Kung ang puso ang hanap ay paglalambing
Awit ng parang ay dinggin
Ang pag-ibig mandin dito nagsusupling
At kapag nasiphayo’y luksang libing
Kaya’t ang payo ko ay inyong susundin
Bukid man ay dapat mAHALIN.
Thank you very much for posting this.
As a child, I grew up hearing this and I had known Ms. Sylvia la Torre as a celebrity. In my late teens, I started to hear from my relatives that my aunt, Mrs. Luz O. Villanueva, was actually a colleague of Ms. Sylvia la Torre.
Again, thank you very much. I am happy that Ms. Sylvia dela Torre is being recognized.
What is the song all about?