LABUSAW

turbidity due to sediment stirring

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

labusáw / labúsaw: lumabòng likido dahil nalagyan ng putik o ibang sangkap, o kayâ’y ginalaw ng tao, hayop, o ibang puwersa

labusáw: mapagmalabis at walang pagpipigil

labúsaw: mapagbigay o hindi mahigpit

labúsaw: mapagtapat


Sa ganitong pagsulong ng kasaysayan, ang realidad ay hindi isang larawan lamang na nalalabusaw o lumilinaw sa isang batis na nakadipa sa kalangitan. Manapa, ang kasaysayang ito bilang di nasusulat na koda ng sibilisasyon ay naglalantad ng iba’t ibang realidad depende sa kung sino ang naghayag ng realidad na ito.

Sa liwanag ng buwan at sinag ng mga bituin, mistulang mga brilyanteng nagkikislapan ang tubig na nalalabusaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *