Kundiman ni Rizal

Isinulat ni Jose Rizal ang kundimang ito noong ika-12 ng Setyembre, 1891. Ito’y isang tulang nagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas sa darating na panahon dumanak man ang dugo.

Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo,
Bayan palibhasa’y lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.

Datapuwa’t muling sisikat ang araw,
Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.

Ibubuhos namin ang dugo’t babaha
Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana,
Sinta’y tatahimik, iidlip ang nasa.

Jose Rizal wrote “Kundiman” in Tagalog on September 12, 1891. A kundiman is a traditional Filipino love song used by a young man to serenade the woman of his love.

The theme of Rizal’s “Kundiman” is his intense love for his Motherland. His words reflected his optimism that the Philippines would be freed from injustice and bondage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *