root word: yari
kayarián
structure
mga kayariáng panggramatika
grammatical structures
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
kayarián: resulta ng binuo, itinayô, o ginawâ
kayarián: balangkás
>>> Apat na Kayarian ng Salita
Payak, Inuulit, Maylapi, Tambalan
Ang pag-aaral sa kayarian ng salita ay makatutulong nang malaki sa pagkaunawa sa wika.
Pumili ng kayariang panggramatika na angkop gamitin sa pagpapahayag ng nais na mensahe.
Mahalaga ang pagtuturo ng kayariang panggramatika upang maihanda ang mag-aaral sa mga gawaing komunikatibo na kanyang kakaharapin sa loob at labas ng silid-aralan.
