“Virgin’s Hands” (1929) is beautiful, touching Tagalog poem by Jose Corazon de Jesus about how his love for a woman changed him for the better. It has been said that the hands of a virgin have the power to transform even hardened criminals into good men.
KAMAY NG BIRHEN
kung hinahawi mo itong aking buhok,
ang lahat ng aking dalita sa loob
ay nalilimot ko nang lubos na lubos.
At parang bulaklak na nangakabuka
ang iyong daliring talulot ng ganda,
kung nasasalat ko, O butihing sinta,
parang ang bulaklak kahalikan ko na.
Kamay na mabait, may bulak sa lambot,
may puyo sa gitna paglikom sa loob;
magagandang kamay na parang may gamot,
isang daang sugat nabura sa haplos.
Parang mga ibong maputi’t mabait
na nakakatulog sa tapat ng dibdib;
ito’y bumubuka sa isa kong halik
at sa aking pisngi ay napakatamis.
Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen
ay napababait ang kahit salarin;
ako ay masama, nang ikaw’y giliwin,
ay nagpakabait nang iyong haplusin.
sa mga taong hindi iginagalang si inang maria de eldiva pit senora de lourdes ay huwag nang mag komento nang pang aabuso nasalita nang mga bagong dayuhan pakiusap tumigil na kayo okay jenniffer drew sonny salamat
Pinagsasabi mo Trixie?
Sino ka para utusan ang mga nagkokomento dito?
Kapal ng mukha mo.
Where is the meaning of the kamay ng birhin even a paragraph?
Maraming salamat po sa paglalagay ng taon kung kailan ito naisulat.
Do you have any literary analysis pertaining to the “Kamay ng Birhen”?.thank you.