Kailan…

Tagalog poem by Dhang Reyes

Kailan…

Ang mga tala sa langit,
nakasilip, nagmamasid;
Ang mga buhangin sa dalampasigan,
giniginaw, nanlalamig.
Ang mga bulaklak sa hardin,
napanaw ang ngiti, nahahapis;
tila mga mata ng diwata
nakangiti ngunit tumatangis.
Ang pusong humihikbi,
sa apoy natutupok;
Pumipiglas, nagwawala;
may mga tinik na nakaturok.
Pag-ibig na inaasam,
nahihimbing, natutulog;
Daang bundok man ang akyatin,
hindi mararating ang rurok.
Ang mga tala sa langit,
nagmamasid, nagtatanong;
Ang mga bukaklak sa hardin,
nag-aabang, bumubulong;
Ang mga ibon sa alapaap,
hindi makalipad, hindi makaawit;
naguguglumihanan sa sakit,
na dala ng labis na pag-ibig


Leave a Comment