Sa tingin ng marami, ang pinakamalaking isyung pangkalusugan ngayon ay ang koronabayrus.
In many people’s opinion, the biggest health issue right now is the coronavirus.
Ngunit may ilan ding eksperto na nagsasabi na higit na mas malaking isyung pangkalusugan ang obesidad.
Yet there are also a few experts who say that it is obesity that is a much bigger health problem.
Halimbawa ng Mga Isyung Pangkalusugan
- Pagkalulon sa droga
- Kaligtasan ng pagkain
- Paninigarilyo
- Pagbubuntis ng mga tinedyer
- Kakulangan sa ehersisyo
Pagkalulon sa droga
Sa Pilipinas, ang problem ng droga ay nagdudulot ng masamang epekto hindi lamang sa katawan ng isang indibidwal at sa kapakanan ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Marami sa mga nalululon sa bawal na gamot ay gumagawa ng krimen dahil sa sinisira ng droga ang kanilang pag-iisip o di kaya ay kailangan nilang magnakaw para makabili ng inaasam nilang droga. Sa ganitong paraan, ang isyung ito ay suliranin ng buong lipunan.
Kaligtasan ng Pagkain
Kailangang alamin ng bawat isa kung paano mapapanatiling malinis ang pagkain bago ito ikonsumo. Hugasan ang mga karne, prutas at gulay nang mabuti. Sa panig ng mga malalaking pabrika at kainan kung saan ang isang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa maraming kostumer, ang pamahalaan ay mayroon mga tuntunin na dapat sundin sa ilalim ng batas. Halimbawa: laging suriin ang mga sangkap para masiguro na walang nakasasama sa katawan.
Paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay masama hindi lamang para sa naninigarilyo kundi sa mga taong nasa paligid niya rin. Ang iba’t-ibang sakit sa baga ay hindi madadaling gamutin at ang pinakaseryosong resulta ng paninigarilyo ay kanser.
Pagbubuntis ng mga tinedyer
Ang pagbubuntis ng mga menor-de-edad ay mapanganib sa kalusugan ng ina at anak. Hindi pa lubos na nadebelop ang katawan at isip ng mga tinedyer. At dahil hindi inaasahan ang ganitong pangyayari, hindi handa ang batang nanay na alagaan ang sarili at ang kanyang sanggol. Wala siyang trabaho. Wala pa siyang naipon. Kinakailangan niyang umasa sa kanyang pamilya at sa gobyerno para sa mga pangkalusugang pangangailangan tulad ng pagkain, bitamina at pagpapagamot.
responsableng pagpapamilya
responsible parenthood




imissyou so much sam
sana makapasaaaa!
MAHAL NA MAHAL KITA PRECIOUS ANEEZA REMODO OPIS
I miss you so much Shaira Mae Lorraine Guzman
imissyou keesha lorraine sabando lastimado
Magiging batang ina
Ano ang epekto ng maaga o di inaasahang pagbubuntis?