This is a transliteration into Tagalog of the English word.
indeks
index
The Spanish term is índice.
Ano ang indeks?
Ito ay bahagi ng aklat kung saan makikita ang listahan ng mga salita o parirala na tinalakay ng may-akda.
Nakaayos ang mga salita o parirala nang paalpabeto para madaling hanapin ng mambabasa.
Ang bawat linya ng salita o parirala ay may numero ng pahina kung saan matatagpuan ang nasabing salita o parirala.
abukado 84
kalyo 98
mata 25,35,89
mata ng Diyos 102
niyog 8,132,350
siglo 90
sigwa 101
tala 15,27,57
Ang indeks ay tulong sa mga mambabasa sa paghanap ng nilalaman ng libro.
Halimbawa ng Paggamit ng Indeks
Gusto mong hanapin sa aklat ang salitang “palahayupan.” Imbis na isa-isahin ang mga pahina mula sa umpisa hanggang sa mahanap ang salitang iyon, titingnan mo na lang ang indeks na nasa bandang hulihan ng libro. Iilang pahina lang ang indeks. Pupunta ka sa parte ng indeks kung saan nagsisimula ang mga salita sa letrang “p-”
pabrika 25
pagano 134
pala 268,269
palabok 35
palahayupan 239
palaisdaan 240
pato 179
Kapag nahanap mo na ang salitang “palahayupan,” makikita mong nakatala sa tabi nito ang numero ng pahina kung saan matatagpuan ito. Halimbawa: 239
Kaya alam mong nasa pahinang 239 ang hinahanap mong salitang “palahayupan.”
Kung walang indeks, kakailanganin mong isa-isahin ang mga pahina hanggang sa mahanap mo ang salita. Kaya mas madali kung may indeks.
Hindi lahat ng libro ay may indeks. Ang mga nobela ay bihirang may indeks, pero ang mga aklat na ginagamit sa pag-aaral ay madalas mayroon.
Ang indeks ay para sa mga librong gawa sa papel.
Sa ngayon, maraming libro ang elektroniko na. Kaya imbis na indeks, ang ginagamit ng mga mambabasa ng elektronikong aklat ay ang “search function.” I-type mo lang ang hinahanap na salita sa “search box” (kahon ng paghahanap) para madaling hanapin.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
index: listahan ng mga pangalan, paksa, at iba pa na paalpabeto ang pagkakasunod-sunod, may kasámang mga sanggunian, at karaniwang matatagpuan sa hulihan ng aklat
index: anumang may katulad na pagsasaayos
index: eksponent ng isang bilang