INAHINAN

root word: hain

Sila nama’y inahinan,
ng pagkaing inilaan,
bilang isang pagdiriwang
sa tagumpay ni Don Juan.

Ang piging nang matapos na
Ermitanyo ay kumuha
ng lamang nasa-botelya,
lunas na kataka-taka!

Mga sugat ni Don Jua’y
magiliw na pinahiran
gumaling at nangabahaw
walang bakas bahagya man.

“Ngayon,” anang Ermitanyo,
“maghanda nang umuwi kayo,
magkasundo kayong tatlo’t
wala sanang may maglilo.

“Don Juan ay kunin mo na
ang marikit na hawla,
baka di datning buhay pa
ang inyong mahal na ama.”


KAHULUGAN SA TAGALOG

inahinan: pinaghandaan ng pagkain sa hapag o mesa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *