* Ang Imus, mahal kong bayan
Sulong sa kaunlaran
Dito’y payapa at masagana
Kay ganda ng kapaligiran
Ang Imus, mutyang minamahal
May ningning, pag-ibig at dangal
Pugad ng lahi, sakdal kagitingan
Inang bayani, may kadakilaan
Tigib sa puso’t, pag-asa’t kalayaan
Kapuri-puri, Imus aking bayan
REPEAT *
Ano’ng ligaya ang dito’y isilang!
Kapuri-puri, Imus aking bayan
Kapuri-puri, Imus aking bayan