Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bikol.
Ibalon is an old name for the Bicol region of the Philippines.
Noong 1895, si Prayle Jose Castaño ay may kinaibigang lagalag na mang-aawit na si Cadungdung. Sa kanya narinig ng pare ang epikong Ibalon. Itinala at isinalin ng pare sa Kastila ang isinalaysay sa kanya ni Cadungdung.
Ang epiko ay nababahagi sa trilohiya. Inilalarawan dito ang kabayanihan nina Baltog, Handiong at Bantong.
Buod ng Ibalon
Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa Batavara at naparaan sa Bikol. Napamahal sa kanya ang Bikol dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ang mga taon at siya ay naging hari ng Ibalondia. Siya ay napamahal sa mga tao roon dahil sa siya’y maunawain, matapang at makatarungan.
Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo na pumuksa sa ani ng mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si Baltog, ang bayaning katulad ni Beowulf, ay siyang pumatay sa higanteng baboy-ramo. Nagbalik na muli sa Ibalondia ang katahimikan.
Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw, mga pating na lumilipad at buwayang ganggabangka. Si Handiong na naparaan doon ang sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng kaharian. Pinagpapatay niya sa tulong ng kanyang mga kawal ang mga damulag.
May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong. Ito’y si Oriol na minsa’y ulupong at minsa’y nakabibighaning binibining nais manlinglang. Siya’y hindi nagtagumpay kay Handiong. Hindi niya madaya ang bayani kaya kanyang tinulungan ito upang lipulin ang mga salimaw, ang mga malignong mapanligalig. Si Oriol ay naniniwala sa kasabihang “Kung hindi talunin, makiisa sa layunin.”
Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia. Kung kanyang maibigan, ang mga tao’y kanyang nagagawang pawang bato. Sapagkat na si Handiong, ang humalili sa kanya na bagong tagapagligtas ay si Bantong.
Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang espada ng bagong manunubos. Dahil sa labanan, ang lupa ay yumanig at umalon ang karagatan. Nang matapos ang malagim na sagupaan, namalas na may maliliit na pulo sa dagat sa kalapit ng Ibalondia. Nagbago ng landas ang Ilog Inarinan. Ang bundok ng Bato ay lumubog at ito’y naging lawa. Namalas sa gitna ng mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na bulkan. Iyan ang Bulkan ng Mayon ngayon.
May we have your permission to cite this website for our school work? Thank you, po
Hello po pwede ko pong gamitin itong gawa mong buod para lang po sa aming gawain…
Thank you