hulmahan + huwaran
pattern, model
hulwarang Bohr
Bohr model
mga hulwaran ng organisasyon
models of organization
hulmahan
something that molds
huwaran
model, example
1. Kronolohikal na Hulwaran
Ito ang mga pagsasaayos ng mga materyales batay sa ugnayan ng panahon. Maaaring ang paksa ay nagsasaalang-alang sa naka-
raan kasalukuyan at hinaharap. Maaari ring ang paksa ay talakayin sa pamamagitan ng sunud-sunod na hak-
bang na posibleng sundin batay sa partikular na pagkakasunud-sunod.
2. Topikal na Hulwaran
Sa ganitong uri ng hulwaran, inaayos ang mga materyales ng talumpati batay sa pangunahing paksa. Kung ang punto ng tesis ay ang maliwanag na pag-uuri-uri ng pangkalahatang paksa, ang topikal na hulwaran ang ginagamit na halimbawa. Kung ang paksa ay kailangang hatin sa heograpiya, kasaysayan kultura at sining, ang topikal na hulwaran din ang dapat gamitin.
3. Hulwarang Problema-Solusyon
Ang hulwarang ito ay ginagamit sa talumpating nanghihikayat o nagpapakilos. Dito, ang talumpati ay nahahati sa dalawang bahagi: ang pagsasalarawan ng suliranin at ang solusyon na maaaring isagawa.