The Holy Roman Empire was a multi-ethnic complex of territories in Western, Central and Southern Europe that developed during the Early Middle Ages and continued until its dissolution in 1806 during the Napoleonic Wars.
Banal na Imperyong Romano
Holy Roman Empire
Ang Banal na Imperyong Romano ay isang unyon ng mga teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Emperador Romano.
Nabuo ang Imperyo noong ika-10 siglo buhat sa sangay ng pamilyang Carolingian at dinastiyang Otto.
Si Otto I ang unang Banal na Romanong Emperador noong 962 AD.
Galing ang pangalan na ito — Banal na Imperyong Romano — mula sa paniniwala ng pamunuan nito sa pagpapatuloy ng pamamayagpag ng Imperyong Romano at ang pagpapatupad ng kagustuhan ng Diyos sa pamamaraang Kristiyano.
