HINUHULONG

salitang ugat: hulò

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

hulò: deduksiyon mula sa pagsusuri ng bagay-bagay

deduksiyón: proseso ng pangangatwiran na sumusunod ang kongklusyon sa mga batayan kayâ’t hindi maaaring mamali ang kongklusyon kung totoo ang mga batayan

Ang Prinsipe’y di kumibo
nguni’t nasaktan ang puso,
ang matanda’y hinuhulong
bakâ siya’y binibiro.

Hinuhulong ng Prinsipe na siya’y binibiro ng matanda.

Inisip niyang malamang ay binibiro siya ng matanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *