Bayan ng Pateros, ayon sa kasaysayan
Lahing magiting, kanyang pinagmulan
May sakahang lupa, may ilog na daluyan
Kinagisnang gawain ay pag-iitikan
Pateros, Pateros, maunlad ang Bayan ko
Sa ekonomiya at yamang pantao
Nakikiisa ako sa mithi at prinsipyo
Pateros, Pateros, isusulong
Aking lakas, sipag, talino at tiyaga
Puhunan ng lahat para sa paggawa
May dangal na taglay sa puso’t diwa
Mamamayan n’ya’y huwaran ng madla
Pateros, Pateros, maunlad ang Bayan ko
sa ekonomiya at yamang pantao
Nakikiisa ako sa mithi at prinsipyo
Pateros, Pateros, isusulong tagumpay mo!
>>> Bahagi ng mga linyang ito ng “Himno ng Pateros” na isinulat ni Prop. Patrocinio Villafuerte.
* Hindi maihihiwalay ang balut sa Pateros. Ang balut ay nagmula sa itlog ng mga itik. Kakabit ng pagbabalut ang “pasubo,” isang anyo ng pamamanata sa kinikilalang patrona ng balut na si Santa Marta bilang tanda ng pasasalamat sa masaganang ani ng balut at iba pang aning biyaya sa bayan. Isinusubo ang biyaya sa pamamagitan ng paghahagis at pagpapaagaw upang maipamahagi ang biyaya sa mga taga-loob at taga-labas ng Pateros.