HARIBON

Philippine Eagle

root words: hari ng ibon

há·ri·bón
“king of birds”

This is a coined word. The widely used Spanish-derived term is agila. It’s the Philippine eagle whose scientific name is Pithecophaga jefferyi. The haribon is the national bird of the Philippines; it is one of the three largest species of eagles in the world.

KAHULUGAN SA TAGALOG

háribón: nilikhang tawag sa bánoy

Ang haribon ay isang malaking agila na makikita sa mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay ang pambansang ibon ng Pilipinas. Sila ay may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo. Tulad ng ibang agila higit na mas malaki ang babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng mga unggoy, malalaking ahas, kaguang, malalaking ibon gaya ng kalaw at mga bayawak monitor lizard.

Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno ng Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *