ha·lò
halò
mix
hinalo
mixed
Haluin ang asin at suka.
Mix the salt and vinegar.
Huwag mong haluin ang mga ito.
Don’t mix these.
Hinalo ko ang arina at asukal.
I mixed the flour and sugar.
Haluhalo (“Mix Mix”)
the icy Philippine treat that’s a hodgepodge of ingredients
According to strict spelling rules, this popular food item is correctly spelled haluhalo, while the adjective is spelled halo-halo.
Masarap ang haluhalo.
Haluhalo is delicious.
Halo-halo ang mga gamit ko dito.
My stuff here is all mixed up.
halo-halong mga gulay
mixed vegetables
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
halò: pagsasáma o paglalahok ng isang bagay sa ibang nása loob ng isang sisidlan
halò: paghalukay sa lamán ng sisidlan
halò: paglapit o pakikisáma sa karamihan
halò: gaya sa “maghalò ang balát sa tinalupan ” – magtúngo sa masamâ ang pinag-uusapan o maging magulo ang pag-uusap
halúin, ihalò, maghalò
KAHULUGAN SA TAGALOG
hálo: matigas na bagay na ginagamit sa pagbayo o pagdikdik ng palay sa lusong
KAHULUGAN SA TAGALOG
halo: límbo (ang tíla singsing na liwanag sa paligid ng araw, buwan, at ibang makináng na lawas; o katulad na ginintuang bílog ng liwanag sa ulo ng santo at mga banal sa kanilang estatwa at larawan)
KAHULUGAN SA TAGALOG
Haló!: Hello!
panligis, pandikdik, pambayo
pagbati, pagkalawkaw para magkasama-sama o malusaw
lahok, dagdag, banto; timpla