Halimbawa ng Pagpapalit-Saklaw

Sa paggamit ng pagpapalit-saklaw (sinekdoki, sinekdoke, o synecdoche), binabanggit ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo.

Halimbawa:

Ayaw kong makitang nakatungtong ang iyong paa sa aking pamamahay.

Ito ay halimbawa ng pagpapalit-saklaw. Ang paa ay isang bahagi lamang ng katawan ng isang tao, ngunit naiintindihan natin na ang ibig sabihin ng nagsasalita ay ayaw niyang makita hindi lamang ang paa, kundi ‘yung tao mismo.

Isa pang halimbawa:

Ayokong makita ang iyong pagmumukha.

Naiintindihan din natin sa halimbawang ito na ang ibig sabihin ng nagsasalita ay ayaw niyang makita ang tao, at hindi lang dahil sa hitsura ng mukha nito.

6 thoughts on “Halimbawa ng Pagpapalit-Saklaw”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *