Ang onomatopéya ay ang pagbuo o paglikha ng salita o pangalan batay sa tunog.
Naipahihiwatig ng paghihimig ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
MGA HALIMBAWA NG ONOMATOPEYA
kiskis, sutsot, tiktak
tinik, tili, siit, tinis, mismis, hinliliit, pisi, bikig, bingit, singsing, gilit, sipi, tingting, pintig, lagitik, kilig, tingi, ipit, pilipit, sipit, sinsin, singkit, dikdik, hikbi, dilis, kimi, timpi, hinhin, impit, kimkim, kipkip, pigil, ngiti, silip
Dumadagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalim na kidlat.
Kumakalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.
Rumaragasa ang mga along sumalpok sa may batuhan sa dalampasigan.
Ang sagitsit sa kawali ng mantikang ipinampriprito sa relyenong bangus ay lalong nagpasidhi sa pagkalam ng aking sikmura.
Umuugong ang hanging dumating dala ng malakas na bagyo.
Ang bagting ng gitara ni Bert ay nakikiusap.