Halimbawa ng Awiting Bayan

kulyawan

Sa ibaba ay may isang matandang awiting-bayan na gumamit ng talinghaga ng ibong kulyawan (kilyawan) para maipahatid ang tugon ng dalaga sa masugid niyang binatang manliligaw.

MGA AWITIN NG PAG-IBIG

May isang ibong kulyawan
Nasa dulo ng kawayan
Barilin mo’t patamaan
Huwag lamang masasaktan.

Ang baril mong kinalabit
Putok ay huwag marinig,
Mag-init ka ng tubig
Sumusulak ay malamig.

Igawa mo ng tindagan
Sariwa’t tuyong kawayan,
Iihaw mo nang tayangtang
Huwag lamang madadarang.

Balutin mo sa papel
Bidbirin mo ng buhangin,
Sa tubig mo pagdaanin
Tuyong dumating sa akin

Kung ito ay magagawa mo,
Lahat kong bilin sa iyo,
Humiyaw ka ng “Bibo”
Ikaw ay akin at ako’y sa iyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *