Si Gilgamesh ang ikalimang hari ng Uruk na kasalukuyang Iraq. Ang kanyang paghahari ay noong bandang 2500 BCE. Siya umano’y 2/3 Diyos at 1/3 tao.
Si Gilgamesh ang sentral na karakter sa Epiko ni Gilgamesh.
Ang Epiko ni Gilgamesh ay isang panulaang epiko mula sa sinaunang Mesopotamya.
Inilalahad ng epikong ito ang kabayanihan at pakikipagsapalaran ng bayaning si Gilgamesh na hari ng Uruk sa Sumerya. Kabilang sa mga kuwento nito ang hinggil sa isang malaking baha at sa kung paanong nakaligtas ang isang mag-anak sa pamamagitan ng paggawa ng isang arko. Ang kuwentong ito ay mas nauna at ang pinaghanguan ng Arko ni Noe sa Lumang Tipan ng Bibliya.
Ang pamantayang bersiyon ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan ni Austen Henry Layard sa aklatan ni Ashurbanipal sa Nineveh noong 1849. Ito ay isinulat sa pamantayang Babilonio na isang dialekto ng Akkadian na ginagamit para sa panitikan. Ang mga putik na tableta ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan ni Hormuzd Rassam noong 1853.
Ang unang modernong salin ng epikong ito sa wikang Ingles ay inilimbag ni George Smith noong 1870.

