pagpatay ng lahi
“killing of race”
genocide
henosidyo
(from Spanish)
genocide
Henosidyong Armenyo
Armenian Genocide
KAHULUGAN SA TAGALOG
Ang genocide ay ang planado at sistematikong pagkitil sa isang pangkat etniko, lahi, relihiyon, o bansa. Nangangahulugan din itong anihilasyon ng isang grupo ng tao, o sistematiko at sinadyang pagpapapatay, paglipol o pagpuksa sa isang lipi, grupong pampolitika o kultura.
Isa sa pinkakilalang henosidyo ay ang pagpatay sa mahigit isang milyong taga-Armenya na ang karamihan ay mga Kristiyano. Nangyari ito noong bandang taon 1915. Hanggang sa ngayon ay nahihirapan ang mga gobyerno ng maraming bansa na tawaging henosidyo ang naganap na pagpatay dahil sa ayaw nilang magalit ang bansang Turkey. Sa kasaysayan ng mga taga-Armenya, ang mga Muslim na Turko (Ottomans) ang siyang pumatay sa karamihan ng kanilang kalahi.

Sa Estados Unidos, ang karamihan sa mga lumikas sa Armenya ay naninirahan ngayon sa California, kung saan mayroong higit sa 200,000 katao ang may lahing Armenyo.
Noong taong 2008, nangako sa mga Armenyo ang kandidatong si Barack Obama na kung siya ang mahalal na pangulo ng USA, tatawagin niyang henosidyo ang nangyari sa mga taga-Armenya. Subalit matapos maging presidente si Obama, hindi niya tinupad ang kanyang pangako at sinabi niyang ayaw niyang magalit ang bansang Turkey.
Sa ngayon, hinihiling ng mga Armenyo sa bagong pangulo na si Donald Trump na tawaging henosidyo ang naganap na malawakang pagpatay sa mga kamag-anak ng kanilang ninuno. Hindi kailanmang nangako si Trump na gagawin niya iyon, subalit marami siyang kaibigan sa Hollywood na mayroong lahing Armenyo, gaya ni Kim Kardashian, kung kaya’t namamag-asa pa rin ang marami.

Truth will always come in its special way….