GASGAS

pulpol, gastado, kaskas, gamit na

gasgás
scratch, abrasion

gasgasín
to scratch

magasgás
to be scratched

nagasgas
was scratched

Nagasgas ang tuhod ko.
My knee was scratched.
= I scraped my knee.

mga gasgas sa tuhod
scrapes on the knee

Lagyan ng gamot ang mga gasgas.
Put medicine on the scrapes / scratches.

  Maraming gasgas ang kalahating ibaba ng pinto.
The lower half of the door has a lot of scratches.

Related Tagalog word: galos

The word for “scratch” related to itchiness is kamot.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

gasgás: marka o pinsala sa rabaw o balát bunga ng pagkiskis ng ibang bagay

halimbawa: gasgas sa kotse bunga ng pagbangga o gasgas sa pintura ng pader bunga ng paglíha

gasgás: sugat o pinsala sa balát o rabaw dulot ng madiing pagdaan ng isang matulis na bagay

halimbawa: gasgas sa balát bunga ng tinik o gasgas sa pintura bunga ng patalim

gasgás: kalagayan ng isang kasangkapan na numipis dahil sa matagal na pagkakagamit

gasgasán, gasgasín, mánggasgás

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *