GNU GENERAL PUBLIC LICENSE
Translation into Tagalog
This is an unofficial translation of the GNU General Public License into Tagalog. It was not published by the Free Software Foundation, and does not legally state the distribution terms for software that uses the GNU GPL — only the original English text of the GNU GPL does that. However, we hope that this translation will help Tagalog speakers understand the GNU GPL better.
Ito ay hindi opisyal na salin sa Tagalog ng GNU General Public License. Ito ay hindi inilimbag ng Free Software Foundation, at hindi nito legal na isinasaad ang mga panutos ng pamamahagi ng software na gumagamit ng GNU GPL — ang orihinal na teksto sa Ingles ng GNU GPL lamang ang gumagawa niyon. Ganunpaman, inaasahan namin na ang salin na ito ay makatutulong sa mga mananalita ng Tagalog na mas maintindihan ang GNU GPL.
Pangalawang Bersyon, Hunyo 1991
Kapirayt (C) 1989, 1991 Free Software Foundation, Inc.
59 Temple Place, Suite 330, Boston, MA 02111-1307 Estados Unidos
Pinahihintulutan ang sinuman na ikopya at ipamahagi ang mga tumpak na kopya ng Lisensyang dokumentong ito, subalit ang pagpapalit nito ay hindi pinahihintulot.
Panimula
Ang mga lisensya ng nakararami na software ay dinisenyo para simutin ang iyong kalayaan na ipamahagi at pagbaguhin ito. Sa kabilang dako, layon ng GNU General Public License na igarantiya ang iyong kalayaang ipamahagi at pagbaguhin ang free software — upang isiguro na ang software ay free para sa lahat ng gumagamit. Ang nakararami ng software ng Free Software Foundation at ng iba pang mga program na kung saan nais ng may-akda na gamitin ang General Public License na ito ay kinasasaklawan ng naturang lisensya. (May ibang software ang Free Software Foundation na kinasasaklawan ng bukod na GNU Library General Public License.) Maaari mo rin itong gamitin sa iyong mga program.
Kapang sinasabi nating free software, ang itinutukoy nito ay ang kalayaan at hindi ang presyong libre. Ang aming mga General Public License ay dinisenyo para malaya kang makapamahagi ng mga kopya ng free software (at sumingil ng bayad para sa serbisyo kung nais mo), para matanggap ang source code o makuha ito kung gusto mo, para maipagbago ang software o gamitin ang parte nito sa mga bagong free na program, at para malaman mo na maaari mong gawin ang mga bagay na ito.
Para protektahan ang iyong mga karapatan, kailangan naming gumawa ng mga ristriksyon na nagbabawal sa kaninuman na ipagkaila sa iyo ang mga karapatan na ito o ihingi sa iyo na isuko ang mga karapatang iyon. Ang mga ristrikyon na ito ay nangangahulugan na mayroon kang mga pananagutan kung ipamamahagi mo ang mga kopya ng software o kung ipagbabago mo iyon.
Halimbawa: kung ipapamahagi mo ang kopya na isang ganoong program (libre man o may bayad), kailangan mong ibigay sa tumatanggap ang lahat ng karapatan na taglay mo. Kailangan mong isiguro na sila din ay makatatanggap o makakukuha ng source code. At kailangan mong ipakita sa kanila ang mga panutos na ito para malaman nila ang kanilang mga karapatan.
Pinoprotektahan namin ang iyong karapatan sa dalawang hakbang: (1) i-kapirayt ang software, at (2) i-alok sa iyo itong lisensya na nagbibigay sa iyo ng legal na pahintulot na ikopya, ipamahagi at/o ipagbago ang software.
At saka para sa proteksyon namin at ng mga may-akda, gusto naming makasiguro na naiintindihan ng lahat na walang warranty itong free software. Kung ang software ay ipinagbago at pagkatapos ay ipinasa sa iba, gusto naming malaman ng tumatanggap na ang hawak nilang software ay hindi ang orihinal, kung kaya ang mga problema na isiningit ng ibang tao ay hindi sumasalamin sa reputasyon ng mga orihinal na may-akda.
Bilang pangwakas, ang anumang free program ay laging pinagbabantaan ng mga patente ng software. Gusto naming iwasan ang panganib na ang mga redistributors [mga taong nagpapamahagi muli] ng isang free program ay hindi kanya-kanyang kukuha ng lisensyang patente na nangangahulugan ng pag-aari ng program. Upang iwasan ito, kailangan naming liwanagin na ang anumang patente na ililisensya ay kailangang ilisensya para sa paggamit ng lahat o huwag na lang ilisensya.
Ang mga tiyak na panutos at kondisyon para sa pag-kopya, pamamahagi at pagbabago ay ang sumusunod.
GNU GENERAL PUBLIC LICENSE
0. Umiiral ang Lisensyang ito sa anumang program o ibang work na naglalaman ng notisyang inilagay ng humahawak ng kapirayt na nagsasabing maaari itong ipamahagi ayon ng mga panutos ng General Public License na ito. Ang “Program,” sa ibaba, ay tumutukoy sa anumang ganoong program o work, at ang “work base sa Program” ay nangangahuluhang Program o anumang deribatibong work sa ilalim ng batas ng kapirayt: ang ibig sabihin, ang isang work na naglalaman ng Program o isang bahagi nito, maging tumpak o may pagbabago at/o isinalin sa ibang wika. (Buhat dito, ang pagsalin ay inilalaman nang walang limitasyon sa salitang “pagbabago.”) Ang bawat licensee [ang binigyan ng lisensya] ay tinuturingang “ikaw.”
Ang mga gawaing liban sa pagkokopya, pamamahagi at pagbabago ay hindi kinasasaklawan ng Lisensyang ito; nasa labas sila ng sakop nito. Ang aktong pagpapaandar ng Program ay hindi tinatakdaan, at ang awtput ng Program ay kinasasaklawan lamang KUNG ang nilalaman niya ay hindi bumubuo ng isang work na binase sa Program (na nakapagsasarili bukod sa pagpapaandar ng Program). Ang pagkaangkop nito ay nakasalalay sa kung ano ang ginagawa ng Program.
1. Maaari mong ikopya o ipamahagi ang mga tiyak na kopya ng source code ng Program kapag natanggap mo ito, sa anumang midyum, KUNG sa bawat kopya ay lantad at naaayon mong ilalathala ang naaayong notisya ng kapirayt at diskleymer ng warranty; KUNG pananatiliin mong buo ang lahat ng notisya na tumutukoy sa lisensyang ito at sa di-pagkakaroon ng warranty; at KUNG ibibigay mo ang kopya ng Lisensyang ito kasama ng Program sa sinumang ibang tumatanggap ng Program.
Maaari kang sumingil ng bayad para sa pisikal na akto ng paglipat ng isang kopya at, kung pipiliin mo, maari kang mag-alok ng proteksyong warranty para sa isang bayad.
2. Maaari mong pagbaguhin ang iyong kopya o mga kopya ng Program o ng anumang parte niyon, na kung saan makabubuo ng isang work base sa Program, at ikopya at ipamahagi ang ganoong pagbabago o work sa ilalim ng mga panutos ng Seksyon 1 sa itaas, KUNG tutuparin mo rin ang lahat ng mga sumusunod na kondisyon:
a) Dapat mong gawin na ang mga pinagbagong payl ay nagtataglay ng prominenteng notisya na nagsasabing pinalitan mo ang mga payl kasama ang petsa ng pagpalit.
b) Dapat mong gawin na ang anumang work na iyong ipamamahagi o ilalathala, na sa kabuuan o sa parte ay kinalolooban o dineriba mula sa Programa o anumang parte nito, ay maipalisensyang buo, ng walang bayad sa lahat ng ikatlong partido, sa ilalim ng mga panutos ng Lisensyang ito.
c) Kung ang pinagbagong programa ay pangkaraniwang bumabasa ng utos sa pamamaraang interaktibo kapag ipinaandar, kailang mong gawin na ito (sa pagsisimulang ipaandar sa ganoong interaktibong gamit sa pinaka-ordinaryong pamamaraan) ay mag-print o magpakita ng isang pahayag na kasama ang naaayon na notisyang kapirayt at isang notisya na wala itong warranty (o, na nagsasabing nagbibigay ka ng warranty) at na ang program na iyon ay maaaring ipamahagi muli ng mga gumagamit sa ilalim ng mga kondisyong ito, at nagsasabi sa gumagamit kung paano makakakita ng isang kopya ng Lisensyang ito. (Iksepsyon: kung ang Program mismo ay interaktibo subalit hindi pangkaraniwang nagpi-print ng ganoong pahayag, ang iyong work na base sa Program ay hindi kinakailangang mag-print ng isang pahayag.
Ang mga rekisitong ito ay umiiral sa kabuuan ng pinagbagong work. Kung may mga makikilalang seksyon ang work na iyon na hindi idinireba mula sa Program, at kung maaaring makatwiran na maituturing sila mismo bilang makapagsasarili at bukod na mga work, sa ganoong sitwasyon, ang Lisensyang ito, at ang kanyang mga panutos ay hindi umiiral sa mga seksyong iyon kung ipamamahagi mo sila bilang mga bukod na work. Ngunit kung ipamamahagi mo ang nasabing mga seksyon bilang parte ng isang buong work na binase sa Program, ang pamamahagi ng kabuuan ay dapat na naaayon sa mga panutos ng Lisensyang ito, na kung saan ang mga pahintulot para sa ibang mga lisensya ay maipapaabot sa lahat ng kabuuan, at samakatuwid sa bawat at lahat ng bahagi, kahit na kung sino ang sumulat nito.
Samakatuwid, ang layunin ng seksyon na ito ay hindi ang angkinin o hamunin ang mga karapatan mo sa isang work na isinulat mong lahat; sa halip, ang layunin ay ang paggamit ng karapatang i-kontrol ang pamamahagi ng mga deribatibong o kolektibong mga work na binase sa Program.
Bilang karagdagan, ang pagtitipon lamang ng ibang work, na hindi base sa Programa, kasama ng Program (o kasama ng isang work na base sa Program) sa isang bolyum ng isang midyum na pang-imbakan o pamamahagi ay hindi inilalagay iyong ibang work sa ilalim ng sakop ng Lisensyang ito.
3. Maaari mong ikopya o ipamahagi ang Program (o ang isang work na base dito sa ilalim ng Seksyon 2) bilang object code o anyong executable sa ilalim ng mga panutos ng Seksyong 1 at 2 sa itaas, KUNG gagawin mo rin ang isa sa mga sumusunod:
a) Ipagsama siya sa kompletong kaparis na machine-readable source code, na dapat ding ipamahagi sa ilalim ng mga panutos ng Seksyon 1 at 2 sa itaas sa isang midyum na pangkaraniwang ginagamit para sa software interchange; o,
b) Ipagsama ito sa isang alok na isinulat, na may bisa ng tatlong taon sa pinakakaunti, na ibigay sa anumang ikatlong partido, para isang bayad na hindi hihigit sa gastos ng pisikal na paggawa ng pamamahagi ng source, isang kompletong kopya ng kaparis machine-readable source code, na ipamamahagi sa ilalim ng mga panutos ng Seksyon 1 and 2 sa itaas sa isang midyum na pangkaraniwang ginagamit sa software interchange; o,
c) Ipagasama ito sa impormasyong natanggap mo ukol sa alok na ipamahagi ang kaparis na source code. (Ang alternatibong ito ay pinahihintulot lamang sa di-pangkomersyal na pamamahagi at kung natanggap mo ang program bilang object code o sa anyong executable kasama ng ganoong alok, alinsunod sa Sabseksyon b sa itaas.)
Ang source code ng isang work ay nangangahulugan na ito ay ang piniling [ideyal na] anyo ng work para gawan ng pagbabago. Para sa isang executable work, ang kompletong source code ay nangangahulugan na ang lahat ng source code para sa lahat ng modyul na nilalaman nito, AT anumang asosyadong interface definition payl, AT ang mga skript na ginamit para i-kontrol ang kompilasyon at instoleysyon ng executable. Ganunpaman, bilang natatanging iksepsyon, ang ipinamahagi na source code ay hindi kinakailangang magsali ng anumang hindi pangkaraniwang ipinamamahagi (maging sa anyong source o binary) kasama ng mga mahahalagang komponent (kompayler, kernel, atbp.) ng opereyting sistem na kung saan umaandar ang executable, maliban na lamang kung ang komponent mismo ay kasama ng executable.
Kung ang pamamahagi ng executable o object code ay ginawa sa pamamagitan ng pag-alok ng akses sa kopya mula sa isang designadong lugar, sa ganoong sitwasyon, ang pag-alok ng katumbas na akses na ikopya ang source code mula sa parehong lugar ay ituturing pamamahagi ng source code, kahit na kung ang mga ikatlong partido ay hindi pinuwersa na ikopya ang source kasama ng object code.
4. Hindi mo maaaring ikopya, ipagbago, i-sablaysens [ilisensya sa iba ang iyong lisensya], o ipamahagi ang Program kung hindi lantad na nakatakda sa ilalim ng Lisensyang ito. Ang anumang ibang pagsubok na ikopya, ipagbago, isablaysens o ipamahagi ang Program ay walang bisa, at ang iyong karapatan sa ilalim ng Lisensyang ito ay otomatikong magwawakas. Gayunpaman hindi magwawakas ang mga lisensya ng mga partidong nakatanggap ng mga kopya, o mga karapatan, mula sa iyo sa ilalim ng Lisensyang ito habang sila ay umaalinsunod nang walang pagliban.
5. Dahil sa hindi mo pinirmahan ang Lisensyang ito, hindi mo kinakailangang tanggapin ito. Gayunpaman, walang ibang magbibigay sa iyo ng pahintulot na ipagbago o ipamahagi ang Program o ang kanyang deribatibong mga work. Ang mga aktong ito ay ipinagbabawal ng batas kung hindi mo tatanggapin ang Lisensyang ito. Samakatuwid, sa iyong pagbabago o pamamahagi ng Program (o ng anumang work na base sa Program), ipinababatid mo ang iyong pagtanggap sa Lisensyang ito at sa kinalalamanan nitong mga panutos at kondisyon ng pag-kopya, pamamahagi o pagbabago ng Program at ng lahat ng mga work na base dito.
6. Tuwing ipamamahagi mo muli ang Program (o anumang work na base sa Program), ang tumatanggap ay otomatikong tumatanggap ng lisensya mula sa orihinal na licensor [tagapagbigay ng lisensya] na ikopya, ipamahagi o ipagbago ang Program ayon sa mga panutos at kondisyong ito. Hindi mo maaaring ilimita ang paggamit ng tumatanggap ng mga karapatang nilalaman dito. Wala kang pananagutan na siguruhin na ang mga ikatlong partido ay umaalinsunod sa Lisensyang ito.
7. Kung, bunga ng isang hatol ng hukom o ng isang suplong na may paglabag ng patente o kung sa anumang dahilan (hindi limitado sa mga isyung may kaugnayan sa patente), may mga kondisyong pinipilit sa iyo (maging utos ng hukom, kasunduan o naiiba) na sumasalungat sa mga kondisyon ng Lisensyang ito, hindi ka pinauumanhinan sa mga kondisyon ng Lisensyang ito. Kung hindi ka makapagpapamahagi sa paraang makasusunod sa obligasyon mo sa ilalim ng Lisensyang ito at sa iba pang relebanteng obligasyon, ang konsigyente ay hindi mo maaaring ipamahagi ang Program nang kahit paano. Halimbawa, kung hindi pinahihintulot ng isang lisensyang patente ang muling pamamahagi ng Program ng walang royalty ng lahat ng sinumang tumatanggap ng kopya direkto o di-direktong mula sa iyo, ang iisang paraan na sumunod doon at sa Lisensyang ito ay ang hindi mamahagi ng Program.
Kung ang anumang bahagi ng seksyon na ito ay tinuriang walang bisa o di-maisasatupad sa ilalim ng pagkatangiang pangyayari, ang balanse ng seksyon na ito ay hinahangad na gamitin at ang kabuuan ng seksyon ay hinahangad na gamiting sa ibang pagyayari.
Hindi layunin ng seksiyong ito na himukin kang labagin ang anumang patente o ibang kleym ng karapatang pag-aari o hamunin ang bisa ng anumang ganoong kleym; ang iisang layunin ng seksiyong ito ay ang protektahan ang integridad ng sistemang pamamahagi ng free software, na isinakatuparan ng mga gawaing publikong lisensya. Maraming tao ang nakapagkaloob ng malalaking kontribusyon sa malawak na hanay ng software na ipinamamahagi sa pamamagitan ng sistemang iyon, sa pagtitiwala sa unipormeng aplikasyon ng sistemang iyon; nasa may-akda/tagapagbigay ang pasya kung nais niyang ipamahagi ang software sa pamamagitan ng ibang sistema at ang licensee [ang binigyan ng lisensiya] ay hindi maaaring igiit ang pagpiling iyon.
Layon ng seksiyon na ito na gawing ganap na maliwanag ang pinaniniwalaang bunga ng nalalabing bahagi ng Lisensiyang ito.
8. Kung ang pamamahagi at/o paggamit ng Program ay tinatakdaan sa ilang partikular na bansa dahil sa mga patente o sa mga interface na kinapirayt, ang nagtataglay ng orihinal na kapirayt na naglalagay ng Program sa ilalim ng Lisensyang ito ay maaaring magdagdag ng isang lantad na heograpiyang limitasyon sa pamamahagi na nagliliban sa mga bansang iyon, nang sa gayon ang pamamahagi ay pinahihintulot lamang sa, o sa pagitan ng, mga bansang hindi naliliban. Sa ganoong kaso, ang nabanggit na limitasyon ay isinasama ng Lisensyang ito gaya nang kung nakasulat sa katawan ng Lisensyang ito.
9. Ang Free Software Foundation ay maaaring maglathala ng rebisadong at/o bagong bersyon ng General Public License paminsan-minsan. Ang ganoong mga bagong bersyon ay magiging tulad sa diwa ng kasalukuyang bersyon, subalit maaaring maging iba ang ilang detalyeng humaharap sa mga bagong problema o pinagaalalahan.
Ang bawat bersyon ay binibigyan ng isang napagkakaibang bersyon number o bilang. Kung ang Program ay nagtatakda ng bersyon number ng Lisensyang ito na umiiral dito at “anumang sumusunod na bersyon,” mayroong kang opsyon na sundin ang mga panutos at kondisyon ng nabanngit na bersyon o ng anumang sumusunod na bersyon na inilathala ng Free Software Foundation. Kung hindi itinatakda ng Program ang bersyon number ng Lisensyang ito, maaari mong piliin ang anumang bersyon na nailathala ng Free Software Foundation.
10. Kung nais mong isama ang ilang parte ng Program sa ibang mga free program kung saan ang kondisyon ng pamamahagi ay naiiba, sumulat sa may-akda upang humingi ng pahintulot. Para sa mga software na ikinapirayt ng Free Software Foundation, sumulat sa Free Software Foundation; minsan ay gumagawa kami ng iksepsyon para dito. Ang desisyon namin ay papatnubayan ng aming dalawang layunin na pangalagaan ang free status ng lahat ng mga deribatibo ng aming free software at na itaguyod ang pangkalahatang pakikipagbahagi at muling paggamit ng software.
11. DAHIL SA ANG PROGRAM AY LINILISENSYA NG WALANG BAYAD, WALANG WARRANTY PARA SA PROGRAM, SA ABOT NA PINAHIHINTULOT NG UMIIRAL NA BATAS. LIBAN NA LAMANG KUNG ISINASAAD SA PAGSULAT, ANG HUMAHAWAK NG KAPIRAYT AT/O IBANG PARTIDO AY IBINIBIGAY ANG PROGRAM “AS IS” (NANG GANOON MISMO) NANG WALANG ANUMANG URING WARRANTY, LANTAD O DI-LANTAD, KASAMA NA, SUBALIT HINDI LIMITADO SA, DI-SAAD NGUNIT NAIIINTINDIHANG MGA WARRANTY NG PAGBEBENTA AT PAG-AANGKOP SA ISANG PANGKATANGIANG LAYUNIN. NASA IYO ANG BUONG PAGSASAKALI UKOL SA KALIDAD AT PAGGANAP NG PROGRAM. KUNG SAKALING NAPAG-ALAMAN NA ANG PROGRAM AY MAY SIRA, IYO ANG GASTOS PARA SA LAHAT NG KINAKAILANG PAGKUKUMPUNI, PAGSASAAYOS AT PAGWAWASTO.
12. WALANG ANUMANG PANGYAYARI, LIBAN NA LAMANG KUNG REKISITO NG UMIIRAL NA BATAS O PINAGKASUNDUAN SA PAGSULAT, NA KUNG SAAN ANG NAGHAHAWAK NG KAPIRAYT O SINUMANG IBANG PARTIDO NA MAKAPAGPAPABAGO AT/O MAPAGPAPAMAHAGI MULI ANG PROGRAMA GAYA NG PINAHIHINTULOT SA ITAAS, ANG MANANAGOT SA IYO PARA SA MGA PINSALA, KASAMA NG ANUMANG PANGKARANIWAN, PAGKATANGIAN, DI-SINASADYA O CONSIGYENTENG PINSALA, NA NAGMUMULA SA PAGGAMIT O SA HINDI MAAARING PAGGAMIT NG PROGRAM (KASAMA NA SUBALIT HINDI LIMITADO SA PAGKAWALA NG DEYTA O DEYTA NA IPINALABAS NA HINDI TUMPAK O PAGKALUGI MO O NG IKATLONG PARTIDO O ANG HINDI PAG-ANDAR NG PROGRAM KASAMA NG ANUMANG IBANG MGA PROGRAM), KAHIT NA KUNG ANG NABANGGIT NA TAGAHAWAK NG KAPIRAYT O IBANG PARTIDO AY INABISADO NG POSIBILIDAD NG GANOONG PINSALA.
Paano magagamit ang mga panutos na ito sa iyong mga bagong programa
Kung nag-dibelop ka ng isang panibagong program, at gusto mo itong maging pinakamalaking tulong sa publiko, ang pinakamabisang paraan para makamit ito ay gawin itong free software na maaaring ipamahagi muli ng sinuman at ipagbago nang ayon sa mga panutos na ito.
Para gawin ito, ikabit ang sumusunod na notisya sa program. Pinakaligtas na ikabit ito sa simula ng bawat source payl para pinaka-epektibong ipahayag ang iksklusyon ng warranty; at ang bawat payl ay kinakailangang mayroong linya ng kapirayt at isang nagtuturo sa kung saan matatagpuan ang kompletong notisya.
isang linya para sa pangalan ng programa at ideya kung ano ang ginagawa nito.
Kapirayt (c) (taon) (pangalan ng may-akda)
Ang program na ito ay free software; maaari mo itong ipamahagi muli at/o ipagbago alinsunod sa panutos ng GNU General Public License na inilathala ng Free Software Foundation, maging ang bersyon 2 ng Lisensya, o (sa iyong opsyon) anumang sumusunod na bersyon.
Ipinamamahagi ang program na ito sa hangad na magiging may gamit ito, subalit ito ay WALANG WARRANTY; wala, maging ang naiintindahan subalit di-isinasasad na warranty ng PAGBEBENTA o PAG-AANGKOP SA ISANG PANGKATANGIANG LAYUNIN. Para sa mas maraming detalye, basahin ang GNU General Public License.
Dapat natanggap mo ang isang kopya ng GNU General Public License kasama ng program na ito; kung hindi, sumulat sa Free Software Foundation, Inc., 59 Temple Place, Suite 330, Boston, MA 02111-1307 Estados Unidos.
Ilagay din ang impormasyon para kung paano makikipag-ugnayan sa iyo sa pamamaraang elektroniko o koreo.
Kung ang programa ay interaktibo, gawin itong maglalabas ng maikling notisya gaya nito sa pagsisimula ng modang interaktibo:
Gnomovision bersyon 69, Kapirayt (C) (taon) (pangalan ng may-akda)
Ang Gnomovision ay nagtataglay ng WALANG ANUMANG WARRANTY; para sa mga detalye, i-tayp ang ‘show w.’
Ito ay free software, at tinatanggap na muli mo itong ipamahagi alinsunod sa ilang partikular na kondisyon; i-tayp ang ‘show c’ para sa mga detalye.
Ang mga kunwariang utos na ‘show w’ at ‘show c’ ay dapat na magpakita ng naaayon na parte ng General Public License. Siyempre, ang mga utos na iyong gagamitin ay maaaring maging iba sa ‘show w’ at ‘show c;’ maaari rin itong maging isang pag-klik ng maus o aytem sa menyu — kung anuman ang nababagay sa iyong program.
Dapat mo ring ipapirma ang iyong amo (kung nagtatrabaho ka bilang programer) o paaralan (kung mayroon) sa isang “kapirayt diskleymer” para sa program, kung kinakailangan. Narito ang isang halimbawa; palitan ang mga pangalan:
Dinidiskleym ng Yoyondyne, Inc., ang lahat ng interes sa kapirayt ng program na ‘Gnomovision’ (na nagpapas sa kompayler) na isinulat ni James Hacker.
(pirma ni Ty Coon), ika-1 ng Abril 1989
Ty Coon, Presidente
Hindi pinahihintulutan ng General Public License na ito ang pagsasangkap ng iyong programa sa mga program na pinag-aarian. Kung ang iyong program ay isang subroutine library, maaari mong ituring na mas may gamit ito kung ipagpapahintulot ang pag-ugnay sa library ng mga aplikeyson na pinag-aarian. Kung ito ang nais mong gawin, gamitin ang GNU Library General Public License sa halip ng Lisensyang ito.
