Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza. Ito ang karugtong sa Noli Me Tangere.
- Simoun: ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
- Isagani: ang makatang kasintahan ni Paulita
- Basilio: ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
- Kabesang Tales: ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
- Tandang Selo: ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
- Ginoong Pasta: ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal at siya rin ang takbuhan ng nangagaylangan at si ya rin ang pinaka bantog na manananggol sa bayan nila
- Ben-zayb: ang mamamahayag sa pahayagan
- Placido Penitente: ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
- Padre Camorra: ang mukhang artilyerong pari
- Padre Fernandez: ang paring Dominikong may malayang paninindigan
- Padre Florentino: ang amain ni Isagani
- Don Custodio: ang kilala sa tawag na Buena Tinta
- Padre Irene: ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
- Juanito Pelaez: ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
- Makaraig: ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan
- Sandoval: ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
- Donya Victorina: ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
- Paulita Gomez: kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
- Quiroga: isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
- Juli : anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
- Hermana Bali : naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
- Hermana Penchang: ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
- Ginoong Leeds: ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
- Imuthis: ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds. Palaging tinitingnan si Padre Salvi
