This word is from the Spanish diarista.
diyarista
diarist
Ito ang tawag sa taong nagsusulat sa isang dayari, kadalasan araw-araw. Kinukuwento ng dayarista ang nangyayari sa kanyang buhay, pati na ang mga nakikita niya sa kanyang paligid.
Noong mga ilang dekada o siglong nang nakaraan, may mga magagaling na diyarista, at mula sa kanilang mga sinulat ay nalalaman natin kung paano namumuhay ang mga tao noon.
Kabilang na sa mga diyaristang pinag-aaralan natin ngayon ay sina Samuel Pepys, Virginia Woolf, Anne Frank, Captain Robert Falcon Scott, at Lewis Carroll.
Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal ay diyarista rin, kung kaya’t marami tayong nalalaman tungkol sa kanya.
Hindi na masyadong uso ang magsulat sa papel na dayari kasi mas hilig ng mga tao ngayon na makipagpalitan ng kuro-kuro sa pamamagitan ng social media — mas madali at hindi kailangan ng papel at lapis o bolpen. Kung mayroong mga seryosong diyarista ngayon, malamang ay blog ang ginagamit nila.



