Ang tulang ito ay isinulat ni Manuel Principe Bautista, na nagsimulang sumulat ng maiikling katha at tula bago pa nagkadigma sa Pasipiko.
Diwang Pilipino
may ningas ng giting ng isang lumipas,
ng ngayon at bukas –
sa tampok na pulong
kasuyo ng araw at maalong dagat:
ito’y sulung-tanlaw
na kamay ng Diyos ang tanging may hawak!
may landas ng bagyo’t pulpulan ng unos
(matibay na moog!)
o, naghuhumindig
sa kintal ng kidlat at hampas ng kulog:
ito’y batong buhay
na di maaagnas… at di dupurok!
ako’y pilipino na may diwang-apoy
na maglalagablab sa habang panahon!


