This song is attributed to retired major Antonio Arboleda for the City of Dasmariñas.
Dasmariñas, Ika’y aking mahal
Uliran kang duyan ng aking buhay
Pag-iisip, diwa’t karunungan
Sa paghubog mo’y nasimulan
Ang pangako sa kinabukasan
Taglay ko’y iyong kasaysayan
Mahal kong lungsod ng Dasmariñas
Ikararangal ka kahit saan man
Kapaligiran mo’y sakdal ganda
Likas na yaman ani ang pamana
Dasmariñas tinubos ang luha
Kalayaan ang inadhika
Kagitingan ng mga bayani
Sa paglaban sa pang-aapi
Mahal kong lungsod ng Dasmariñas
Ikararangal ka kahit saan man
Mahal kong lungsod ng Dasmariñas
Ikararangal ka kahit saan man