CORONAVIRUS

koronabayrus

2019-nCov sa Tagalog

Ito ang tawag sa isang pangkat ng mga bayrus na may anyong mala-korona.

Coronaviruses are a group of viruses that cause diseases in mammals, including humans, and birds. In humans, the virus causes respiratory infections which are typically mild but, in rare cases, can be lethal. In cows and pigs, coronaviruses may cause diarrhea, while in chickens, these viruses can cause an upper respiratory disease.

SARS-CoV-2 is the seventh coronavirus known to infect humans. SARS-CoV, MERS-CoV and SARS-CoV-2 can cause severe disease, whereas HKU1, NL63, OC43 and 229E are associated with mild symptoms.

Mga Halimbawa ng Koronabayrus

  1. Human coronavirus 229E (HCoV-229E)
  2. Human coronavirus OC43 (HCoV-OC43)
  3. SARS-CoV
  4. Human coronavirus NL63 (HCoV-NL63, New Haven coronavirus)
  5. Human coronavirus HKU1
  6. Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV)
  7. Novel coronavirus (2019-nCoV, CoVid-19, SARS-COV-2)

Pinakakilala ang SARS at ang MERS, at noong Disyembre 2019 ay sumulpot ang bagong bayrus sa Tsina na ang tawag ngayon ay Novel coronavirus (CoVid-19) o SARS-COV-2.

Ang ibig sabihin ng “novel” dito ay bago — bagong nakita at hindi pa alam ang detalyadong istruktura nito.

Ito ay katulad ng trangkaso. Kapag ang matatanda ang nagkasakit nito, madalas nagiging pulmunyá at nakamamatay.

Para maiwasan ang mga ganitong bayrus, laging takpan ang ilong at bibig kapag nasa isang lugar kung saan maraming tao. Pagkauwi o kung may pagkakataong kumain sa trabaho o paaralan, maghugas muna ng kamay — gumamit ng sabon at maghugas nang mga 30 segundo.

Maghilamos. Maligo. Magpalit ng damit. Panatilihin ang kalinisan at kalusugan. Mabisa ang Vitamin C kaya uminom ng kalamansi juice.

Maaaring gumamit ng 70% isopropyl alcohol sa basahan para puksain ang mga bayrus, lalo na sa cellphone.

Sakaling lumalala ang pag-ubo at may lagnat, bumisita sa klinika o ospital.

Maliban sa matatanda, ang pinaka-delikado sa COVID-19 ay ang matataba. Panatilihing katamtaman ang iyong timbang. Kumain nang maayos. Mag-ehersisyo ngunit huwag sobrahin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *