CARBOHYDRATE

This English term can be transliterated into Tagalog as kárboháydreyt.

kárboháydreyt
carbohydrate

mga kárboháydreyt
carbohydrates

KAHULUGAN SA TAGALOG

Alinman sa malaking pangkat ng organikong compound na pinagkukunan ng enerhiya at binubuo ng carbon, hydrogen, at oxygen.

Tinatawag din itong karbs at minsan karbohaydro.

Halimbawa ng Pagkaing Maraming Karbohaydreyt

Tinapay, patatas, kamote

Ang binubuo ng pagkain ay maaaring hatiin sa anim na grupo: karbs, protina, taba, bitamina, mineral at tubig. Kinakailangan ang kaunting kaalaman sa bawat isa nito kung kakain din lamang tayo ng karapat-dapat.

Ang karbs ay simpleng mga asukal o sustansiya na maaaring maging simpleng asukal sa pamamagitan ng hydrolysis o paghahalo ng tubig. Ang pangunahing gawain ng karbs ay ang magbigay ng lakas sa katawan. Bawat gramo ng karbs na sinusunog ng ating katawan ay nagbibigay ng apat na kalori. Ang ilang karaniwang mga pagkain na maraming karbs ay ang kamote, tinapay, keyk, biskwit, kanin, patatas, kamoteng-kahoy at ang karaniwang asukal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *