Lyrics by City Mayor Enrico “Recom” Echiverri & Supt. Elizabeth J. Manalo… Music by Ela Rebollido & Cristina Tayag
Larawan mo ay kagitingan
Nanahan sa iyo ang katipunan
Hinilom ang sugat ng himagsikan
Pugad ka ng katapangan
Nasa pahina ng kasaysayan
Ngalan mo ay Caloocan
Caloocan, Kanlungan ng Pag-asa
Pagningasin ang tagumpay
Pag-ibig ay ialay
Caloocan, dakilang lungsod ng mga bayani
Isabuhay ang minimithi
Ipunla ang pagkakaisa
Caloocan, Mabuhay ka!
Sama-samang salubungin
Sipag at tiyaga ay pagbutihin
Tayo’y mga lingkod
Sa mutya nating lungsod
Pag-alabin ang damdamin
Tayo na, Caloocan
Mabuhay ka!
Found in the University of Caloocan City handbook.
walang kanta