bungkós: bundle; batch; bunch
mga bungkós: bundles; bunches
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
bungkós: tungkos, balot, balutan, tangkas, bigkis, pumpon
bungkós: kabuuan ng binigkis na mga bagay
halimbawa: bungkos ng punlang palay
Pasan ni Juan ang bigkis ng palay.
isang bungkos ng mga talbos ng kamote
Hawak niya ang isang bungkos ng salaping papel.
Inilabas niya ang isang bungkos ng mga dokumento.
Dinukot ng babae ang sobre, at nagpakita ito ng bungkos-bungkos na pera.
Sa pasamano ng bintana inilagay ni Francisco ang bungkos ng salapi.
