Bilang ng manlalaro: Kahit ilan
Baitang: I II
Saan nilalaro: Palaruan
PAANO MAGLARO NG BULONG PARE
Ang mga bata ay nakatipon sa isang bahagi ng palaruan.
Maghahagis na papaitaas ang isang bata ng mga papel na malalaki at maliliit at sabay ang sigaw na sasabihing “Utos ng Pare.”
Ang sinumang tamaan ng papel ay mananatiling tahimik. Kung ito ay kanyang magagawa, siya ang magiging taga-hagis at uulitin ang laro.
Parurusahan ang mga manlalarong hindi tahimik.