Bilang ng manlalaro: 10-15
Baitang: I -II
Saan nilalaro: Palaruan
PAANO MAGLARO NG BOLOBUWAYA
Isang parisukat na may walong metro ang haba at dalawang metro ang luwang ang iguguhit sa lupa.
Ito ay kumakatawan sa isang mababaw na sapa, ang tahanan ng mga buwaya.
Dalawang bata ang pipiliing buwaya at mananatiling nakaupo sa loob ng parisukat at mag-aabang ng sisilain.
Ang ibang manlalaro ay nasa isang panig ng parisukat at sila ay magpupumilit na lilipat sa kabilang panig na hindi natataga ng buwaya.
Sinumang mataga habang lumilipat sa kabila ay magiging buwaya at ang nakataga ay magiging isa sa mga manlalarong lumilipat sa kabila.


