Ang biogas ay isang gas na nagmumula sa pagkalusaw ng mga organikong materyales.
Bio-gas is a mixture of methane and carbon dioxide produced by bacterial degradation of organic matter and used as a fuel.
Ginagamit ang biogas bilang fuel o “panggatong” na nagpapaandar sa mga makina tulad ng sasakyan. (Halimbawa ng “fuel” ay ang gasolina.)
Anong klaseng organikong materyales ang puwedeng gawing biogas?
Basurang nagmula sa kalikasan (gaya ng patay na halaman at dumi ng hayop).
Karaniwan ang mga tira-tirang bagay mula sa kusina ay puwedeng ipunin at gamitin sa paggawa ng biogas — balat ng prutas, kaliskis at buto ng isda… Ang ihi at tae ng tao ay maaari ring gamitin.
Kailangan nga lang ng maayos na sistema para sa paggawa nito.

