This word is from the English “vernacular.”
The Spanish equivalent for the noun form is lengua vernácula and for the adjective is vernáculo / vernácula.
Ang bernakular ay ang wika o diyalekto na sinasalita ng mga ordinaryong tao sa isang bansa o rehiyon.
Vernacular is the language or dialect spoken by the ordinary people in a particular country or region.
Halimbawa: Ang bernakular ng Maynila ay ang wikang Tagalog.
Ang bernakular sa Batangas ay ang diyalektong Batangan (Batangenyo).
Noong panahon ni Shakespeare, ang sinasalita ng mga hari at reyna sa Inglatera ay naiiba sa sinasalitang bernakular ng mga pangkaraniwang mamamayan.
