The word batutian can be translated into English as “satirical joust.” It is derived from the name Batute, a famous alias used by acclaimed Filipino poet Jose Corazon de Jesus.
Batutian uses jokes, banters and boasts among the contending poets, while a Balagtasan is a poetic debate.
Ano ang Batutian?
Ang batutian ay isang uri ng tulang patnigan na hinango sa balagtasan.
Ipinangalan ito sa kinikilalang “Unang Hari ng Balagtasan” na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).
Isinasagawa ang batutian sa mga lamayan upang libangin ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan ngunit may kasama ring katotohanan.
Ikumpara ito sa balagtasan na isang uri ng mas pormal na pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ng sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.

