BATU-BATOHAY

Bilang ng manlalaro: 10-20
Baitang: I II
Saan nilalaro: Palaruan o Gym

PAANO MAGLARO NG BATU-BATOHAY

Lahat, maliban sa isa na siyang taya, ay tatayo sa isang bilog na may hawak na dalawang bao. Pipiringan ang taya at tatayo sa gitna ng bilog. Kung handa na ang taya, kakatukin ng mga nasa bilog ang bao. Hahabulin at tatagain ng Taya ang sinuman sa kanila. Ang mataga ang siyang susunod na Taya.

Pansinin ang sumusunod:

1. Sinumang manlalaro na magsasalita o tatawa nang malakas ay magiging taya.

2. Bawal lumabas sa bilog. Ang lalabas ay parurusahan at siyang magiging taya.

3. Kung walang bao, maaari ring gumamit ng kastaneta, bato, kapirasong kahoy o kaya lata ng gatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *