BATU-BATO

Ito ay isang katutubong laro na angkop para sa una at ikalawang baitang.

BATU-BATO

Bilang ng manlalaro: Kahit ilan
Baitang: I II
Saan nilalaro: Palaruan

Nangaka-upo sa isang bilog ang lahat ng maliit mga bata. May hawak na isang batong ang lahat maliban sa isa.

Aawit ang mga bata. Ipapasa ang bato na pakanan kasabay ng indayog ng awit. Pagkatapos ng awit, itigil din ang pagpapasa ng bato. Hindi na kasali ang batang walang hawak na bato. Aalisin ang isang bato. Uulitin ang laro.

Ulit-ulitin ang laro hanggang sa isa na lamang bata ang matitira at ito ang panalo o kampeon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *